Saturday, August 2, 2008

This week is like a rollercoaster ride. Grabe, nakakawindang. For a moment I was super happy, then next I'd be soooo disappointed. Tapos mega happy nanaman. Extreme happiness. Extreme sadness. Akyat - baba. Akyat - baba. Nakakahilo... Kwento ko sa inyo:

Some names are written alphanumeric so that text scrapers and bots won't scrape them. I don't want these to turn up in queries on search engines!

Mag-aApply kasi ako as trainee sa "NK+i". Eh ang daming requirements then I had to pay 7500 bucks pa for that training. But Mama is OK with that so pinilit kong kumpletuhin yung requirements. August 1 ang doom's day, i mean, date of registration, and when I decided to try NK+i I only had two weeks left to complete the requirements. So there. Nung first week, nag-take ako ng "BL5" sa "RedCr05S" Quezon City.

Then eto na ang SECOND week. This is THE WEEK I'm talking about.

Monday. Nag-email and text sa'kin ung "5t. Luk3S". Sabi initial interview ko raw sa July 30 at 2:30 PM. I was sooo happy! That's the first reply I received from a hospital. Halos magtatatalon na'ko sa tuwa. I thought kung makakapasok ako don, di ko na kailangang mag-apply sa NK+i.

Wednesday. Initial interview ko sa 5t. Luk3S. Since I've experienced being interviewed for a job na and OK naman English ko, I didn't bother to practice or think of the answers for certain interview questions na. Parang naging overconfident ako. Then during the interview, I was sweating! The questions were so simple but I had a hard time thinking of the right answers. Grabe. Then before I left the office, the interviewer told me to wait for a month kung nakapasa ako o hindi. A month! Ang tagal. Totoo nga yung sabi sa'kin ng mga kakilala ko. Matagal din ang application process sa 5t. Luk3s. So naisip kong tumuloy na lang sa NK+i. Pagkatapos non, pumunta ako sa "AN5AP" sa "Lung Cen+3r" to get my "1VT" license. Na-complete yung cases ko nung May 5 and I was told na isa-submit yung cases namin on June 10. So siguro naman by this time gawa na yung license ko. Nung tumawag ako sa "Em Dyey Eyts" (hospital kung saan ako nagtraining), sabi nila wala pa raw ung licenses namin dahil naglipat daw ng office yung AN5AP sa Lung Cen+3r. Tinanong ko kung pwedeng ako na lang ang kukuha sa AN5AP, pwede raw basta magpresent ng kahit anong ID. So yun nga pumunta ako. Pagdating ko dun hinanapan ako ng "Pi Ar Si" license. Eh hindi yun yung dala ko! "Pi En Ey" card ang meron ako. Hay, sablay yung info na binigay ng Em Dyey Eyts. So sabi ko babalik na lang ako, pero pinatingnan ko kung available na yung license... So hinanap nung kausap ko... Sinama pa'ko dun sa room kung saan nakalatag lahat ng 1VT case forms... Hanap kami... Hanap... Hanap... Tapos sabi nya WALA! OMG. Kailangan ko yun para sa NK+i eh. Huhu. Baka raw next week or so pa.

Thursday. Ang lakas ng ulan. Di naman bumabaha sa subdivision namin but today water from the higher streets is streaming down on our area dahil nasa mababang part ng subdivision ung phase namin. Ngayon namin ine-expect na makukuha na yung BL5 cards namin. Ron texted me nung mejo umaga na papunta na sha sa redcR055 sa Diliman. So hinintay ko muna text nya bago ako umalis ng bahay. Ang lakas nga kasi ng ulan. Then he texted me na WALA pa raw yung cards namin at yung nagpangako sa'min na ngayon na ang release eh nagka-amnesia raw yata. I was so mad. They promised us na ipra-process na nila yun. So I just made a letter na nagpapatunay na nakapasa ako sa BL5 at ipapapirma ko na lang yun sa instructor ko. Paglabas ko ng house, nyay, rumaragasa ang tubig ulan sa kalye. It's only ankle-deep pero ang lakas ng current. Pagkatawid ko, basa na yung jacket and blouse ko, pati kalahati ng pedal ko! Eh di bumalik ako sa house. Nagpalit ako ng shirt, yung parang pambahay na lang. Tapos tinawid ko ulit yung baha. Kahit na basang basa nanaman ako tumuloy na'ko sa biyahe. Sumakay ako ng ordinary na bus at umupo sa tapat ng pinto para mahanginan yung pedal ko. Ayun, henyo talaga, natuyo ng hangin yung pedal ko. Di na'ko mukhang basang sisiw pagdating ko sa Philcoa. Pero ang buhok ko naman... Hay! Pagdating ko sa redcR05S, biglang sabi sa'kin pwede na makuha yung card. Yahoo! Ang saya saya ko. Nakuha ko yung card ko ng around 3:30 PM. Then nagbakasakali ako ulit sa AN5AP. Pagdating ko, doon ako lumapit sa sang lalaki sa counter, hindi na dun sa babaeng kausap ko kahapon kasi baka maalala nya'ko tapos sabihin sa'kin "Ang kulit mo. Di ba sabi ko sa'yo wala pa yung license mo?" Then binigay ko dun sa lalaki yung Pi Ar Si license ko. Medyo negative ang feeling ko nun. Para kasing nahihirapan nang maghanap yung lalaki. Gusto ko na shang tawagin and tell him na "Wala pa po siguro yung license ko kasi yun din ang sinabi sa'kin nung kasama nyo kahapon." Then after 15 MINUTES, tinawag nya'ko sa window and pushed an open logbook towards me. Kinabahan ako. Then sabi nya "Paki-sign na lang." And THERE! Nakita kong hawak nya yung 1VT certificate and license ko. Huwaaaaaaw!!! Para akong nakapasa ulit sa board exam. Ang sarap ng pakiramdam!!!

Friday. Moment of truth. Pumunta ako sa NK+i at dumating ako don ng 6:00 AM. Ang aga noh? Pero pagdating ko sa tapat ng office, waaah, pang-76 na'ko sa waiting list. That means, pang-96 ako sa mga applicants. Ang dami nang tao! Eh yung first 20 applicants lang ang tatanggapin. Oh no! Yung number 1, 8:00 PM pa raw sha don. Meaning doon na sha natulog sa NK+i. Yung mga sumunod sa kanya dumating daw ng 9PM, 10PM, then 2AM kanina, 3AM, and 5AM. Whoa. Grabe talaga.

So there. Nasa waiting list ako. Sa Tuesday ko pa malalaman kung makakapasok ako o hindi.

Abangan ang susunod na kabanata.

0 comments: