Saturday, August 30, 2008
Panahon na para makialam.
Sapagkat...
Habang ako ay natutulog, may digmaang nagaganap sa Mindanao.
Habang ako ay namamasyal sa mall, may pamilyang lumilikas at naghahanap ng mas ligtas na tirahan.
Habang ako ay nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan, ang pamahalaan ay gumagawa ng mga desisyon at kasunduang pangkapayapaan, na minsan ay tama ngunit minsan naman ay mali sa mata ng sambayanan at giit ng marami ay labag sa konstitusyon.
Habang ako ay nagbababad sa MP3, may nagaganap na katiwalian sa kung saan.
Habang ako ay nanonood ng TV, may ilang pinuno ang nagsusumikap na ilagay sa wasto ang mga adhikain ng gobyerno.
Habang ako ay nag-iisip ng susunod kong papanooring pelikula, may ilang Pilipino ang nagsisikap na maghanapbuhay ng tama upang maitaguyod ang pamilya.
May namamatay at nasusugatang Pilipino araw araw dahil sa digmaan.
May batang nawawalan ng tatay o nanay.
May batang hindi na makapag-aral.
May isang sibilyan na napipilitang gumamit ng armas upang protektahan ang sarili at mga mahal sa buhay.
Naglalaban ang mga may iba't ibang paniniwala at prinsipyo. Nagpakilalang "Muslim" ang isang grupo. Sabi naman ng isang pangkat ay "Kristiyano" raw sila. Ang isa pang armadong grupo ay nagpakilalang "tagaprotekta" lamang ng mamamayan. At nariyan pa ang hukbong sandatahan ng Pilipinas.
Kaya panahon na para makialam ako.
Hindi. Hindi ako sasali sa mga pag-aaklas at welga.
Hindi ko rin naisip na tumakbo sa pulitika.
Makikialam ako... Pero hindi sa paraang naiisip niyo.
to lift up holy hands in prayer,
without anger or disputing."
1 Timothy 2:8
"Do not be anxious about anything, but in everything, by prayer and petition, with thanksgiving, present your requests to God."
Philippians 4:6
"If you believe, you will receive whatever you ask for in prayer."
Matthew 21:22
And so I will kneel before the Father. Ito ang pakikialam na gagawin ko.
0 comments:
Post a Comment