Thursday, February 28, 2008
Glimpse into my college life… (Hay, nami-miss ko tuloy…)
1. Umakyat sa fire exit papunta sa classroom ko sa 5th floor. Pagdating sa taas, sobrang sakit na ng legs ko at feeling ko ‘di na’ko makakalakad ulit ng maayos.
2. Pagkaputi-puting uniform, na may talsik na ng spaghetti sauce o putik pag-uwi ko sa house
3. Pagsali sa obstacle race nung 1st year. Natanggal pa yung isang sapatos ko habang tumatakbo. Waha. Kakahiyang freshman.
4. Pangangareer sa pagkulay ng anatomy book
5. Kumain ng siomai na sinawsaw sa sobrang anghang na sawsawan
6. Bumili ng spaghetti na may nag-uumapaw na sauce (Para nga syang sauce na nilagyan lang ng pasta)
7. Tumambay sa Impulse office before at after ng klase
8. Nakakalimutang i-surrender sa guard ang susi ng publication office bago umuwi (at kinabukasan ay may sermon na matatanggap mula sa kinauukulan. Hehe)
9. Bumili ng white stockings almost every week dahil laging nagra-run yung stockings ko. Ewan ko ba.
10. Papasok na naka-slippers (bitbit lang yung black shoes sa bag, in case mahuli ng guard)
11. Marikina to school: Makakatulog sa FX. Paggising, magugulat dahil nasa bandang Q.I. na pala. Lagpas!
12. School to Marikina: Makakatulog sa FX. Paggising, magugulat dahil nasa San Mateo na pala. Lagpas nanaman!
13. Magpupuyat sa pagre-review para sa test kinabukasan, na last week pa talaga inAnnounce ng prof pero di kasi agad inaral.
14. Pangangareer sa Logic, Math, Chemistry, Rizal, Health Eco at Pol Sci 2 (mga minor subjects ko)
15. Pagpapabaya sa NCM (major subject ko)
16. Mga pampatawid-gutom during class: magic flakes, safari, blue skies, chips delight, lemon square cupcakes, voice, crossini, at yung tinitindang puto sa store sa likod ng building. Akala ko nung umpisa cupcake yon. Pagkagat ko, saka ako naniwala na puto nga talaga ‘yon.
17. Aalamin ang schedule kung kelan magbebenta yung store ng pansit at spaghetti/macaroni. Kakwentuhan minsan yung dalawang boys na bantay ng tindahan… tawag nila sa’kin “Jesse” kasi alam nilang adik pa’ko sa “Full House” non.
18. Dahil sa puyat, matutulog sa FX all throughout the ride. Bababa sa tapat ng school at mare-realize na nakalimutang ibigay sa driver ang bayad.
19. Pahirapang pagsakay sa FX sa Cubao kaya jeep na lang minsan… Pagdating sa school, sasabihan ng classmate “Uy, ang dumi ng skirt mo sa likod.” Great.
20. Tatawid sa E.Rod (adventure!)
21. Internet magdamag sa student council office. Gagawin lahat ng paraan ma-access lang ang Friendster (na ni-restrict kasi ng I.T.)
22. Practice para sa swimming exams. Para kaming nag-happy happy ng classmates ko kasi nagsi-swimming kami. Tapos sa actual exam, mega kabado na.
23. Memorization ng names ng bacteria, parasites, fungi, muscles ng palaka, bones ng palaka, muscles ng tao, bones ng tao, lobes, mga kapatid at compositions ni Jose Rizal, nursing theories, nursing theorists, preamble ng constitution, correct sequence ng nursing procedures, patient’s rights, at medicines (ito ang pinakamalupit!)
24. Amoy ng formaline na pinagbabaran ng palaka. Masakit din sa mata kaya nakakaiyak pa. Mukha tuloy madrama lahat ng Zoology students.
25. Stress dahil sa major exams, deadline ng news articles, reports, Research class, Research professor, NCPs, case study, case presentations, triage roleplay, at macroseminar
26. Privileges ng isang campus journalist (free access sa lahat ng school events, we’re allowed to get information from the Registrar, admin officers find time to answer our questions, etc.) Wala kaming “sweldo” but these were good enough.
27. Tambay sa guidance office or front desk pag walang makausap sa publication office.
28. Mag-assist during enrollment. Sumagot ng calls sa front desk. Mag-evaluate ng grades ng transferees.
29. Mag-drawing ng papalaking fetus
30. Tatalian ang basa pang buhok, lalagyan ng hair net, at susuksukan ng maraming hair pins… All done in less than a minute! World record na ba?!
31. Magdala ng makakapal at mabibigat na libro
32. Kwentuhang ilokano
33. Tumulong hanggang madaling araw sa preparation ng school programs
34. Gagawa ng thesis. Pupunta sa bahay ng groupmate at dun na matutulog. Sa umaga na uuwi.
35. Injection. Vital signs. Pag-aayos ng kama. Hospital tours. Surgeries. Labor & delivery. Cord care. ICU. Pagrolyo ng bulak. Pagtanggal ng wound stitches. Community visits. Health education. Leopold's maneuver.
36. Katamarang magdala ng bag. Nasa pockets ng blouse ang cellphone, money, hanky, lip gloss at tissue na may powder. Mangunguha na lang ng ballpen at coupon bond sa publication office para makapag-notes sa class.
37. Bumuo ng choreography para sa “Totoy Bibo” na sasayawin ng grupo namin sa Mental
38. Gumawa ng children stories para sa puppet presentation namin sa Mental
39. Guitar practice para sa song number namin ni Yuanne sa Mental… At nung actual presentation na, nakalimutan ko yung ibang chords sa sobrang kaba. Hahahaha. Tunog-remix tuloy yung kanta.
40. Worries sa completion ng cases ng RLE group namin
41. Gagamitin ang koneksyon at konting impluwensya para ma-entertain ang requests sa faculty at admin. Hehe.
42. Scrubs, apron, mask, white shoes, sphygmo na madalas maiwan sa bahay, stethoscope na madalas maiwan sa bahay, thermometer, surgical gloves, small notebook, nameplate, ballpen, white cup, surgical cap, multi-color ballpen na lagi kong nawawala, wristwatch, bandage scissors, micropore, at paglalagay ng make-up (para raw di kami halatang haggard pag nakita ng mga pasyente)
43. BSN IV – Section 3 and RLE Group 11
44. Mga laman ng pencil case ko: ballpens, mga pang-highlight ko ng books (which I started using in my 3rd year), markers, sign pens, ruler, mechanical pencil, eraser, liquid paper, sharpener, at isang coffee stirrer na ginagawa kong bookmark. Dami kong dala noh? Kinda OC eh. Hehe.
45. Katoxican ng BS Nursing… It's... Fabfrickintastic! Hahaha.
Been out since ’07. Sheesh. Bakit ngayon ko lang na-miss? Eleven months after graduation, I’m starting to miss college and the people I used to see every day.
College peeps, enjoy this period of your life while you can! You won’t realize how fun it was until it’s gone.
1 comments:
Attention!
Post a Comment