Monday, November 19, 2007

Ganito kasi yon... Isang linggo...

Jerry and I went to Jen's apartment. Not that I'm a detail freak but Ima tell you na rin, Jen's apartment building is pink. Cute noh? Nasa fifth floor ang room ni Jen. Nakakatuwa kasi yung kapitbahay nila, maraming tanim na halaman. Pero walang garden. Hekhek. Bale nakatanim bawat plant sa bottle ng C2. Hekhek. At lahat ng bottles, kulay yellow. As in yung yellow bottles ng C2 lang ang ginagamit nila. And, hmm, if memory serves me right, mga 20 to 25 bottled plants ang nasa harap nung apartment. Hekhek. Hekhekhek. Nakakatuwa. So going back to my tokwa't baboy & sisig story, yun ang inulam namin sa house nila Jen. Binili yun ni Jen sa Rufo's. Di nga nya kami pinagbayad ni Jerry eh.. OK lang daw kc nakuha nya naman yung bonus nya. So ayun. Voosog.

Tapos...

One evening (same week), hinatid ako nila Ianne and Charles sa Eastwood. Before ng shift ko, kumain kami sa Somethin' Fishy. Shempre, dahil parang di makapag-decide yung dalawa kung anong kakainin nila, ako na ang umorder. Di ko alam kung ano ang sumanib sa'kin... Ang inorder kong ulam namin? Tokwa't baboy at sisig. Hahaha. Tapos nun, inorder din namin yung "drink of the month" kaya may one free donkey stuffed toy kami. Shempre sa'kin napunta yon. Muhaha. Pink ang pinili ko. I named it "Doc"... initials ng surnames naming tatlo yon. Cute noh? Heehee.

Tapos...

Nung umuwi nako sa Bulacan ng Saturday... Natawa talaga ako nang malaman ko ang ulam namin. Janjararan! Tokwa't baboy.

"The marvels of daily life are exciting; no movie director can arrange the unexpected."

0 comments: