Tuesday, September 11, 2007

Ako ay narito ngayon sa ika-dalawampu't siyam na palapag ng megadaigdig, tumitipa ng kibord habang sila Aki at Rina ay naglalaro ng pusbola, at si Bleng at Krissy ay naglilibot sa malawak na sapot ng mundo tulad ko. Sa aking pagninilay-nilay kanina, naisip ko ang isa sa mga salitang madalas kong binibigkas sa tuwing ako ay nagugulat o nabibigo. Ito ay ang salitang "shemay". Ako ay nagugulumihanan sa kasaysayan ng salitang ito sa buhay ko. Hindi maarok ng aking isipan kung kailan at saan ko unang binigkas ito. Ang "shemay" ba ay inimbento ko lang o narinig ko ito sa ibang tao? Ngunit kung akin pang susuriin ang mga bagay-bagay, uubusin lang nito ang oras ko. Hindi naman masyadong mahalaga na malaman ko ang kasaysayan ng "shemay". Maaaring nagmula ito sa "shame" na madalas ko ring binibigkas. Maaaring mula rin ito sa "siomai" at "shoot". Haay. Makaalis na nga..

0 comments: